Tanaw
This past few days, meron something na hindi maalis sa isip ko.
Isang napaka laking tanong.
Ang hirap sagutin.
ANO NGA BA ANG PURPOSE KO SA MUNDONG ITO?
Fresh graduate ako.
Nag papasa ng resume pero walang tumatawag.
Nag aasikaso ng mga gawain sa bahay para makatulong kahit papano sa magulang.
Makabayad kahit papano ng utang na loob imbis na matulog buong araw.
Pinipilit isipin ano ba ang mangyayari sakin sa mga susunod pang araw.
Ganito na lang ba ako hangang tumanda?
Pano ba ako mas makakatulong sa pamilya ko?
Pano ang mga pangarap ko?
Ang mga plano ko para sa amin ng girlfriend ko at sa future namin?
Pano ko matutulungan ang kapatid ko?
PAANO? SAAN? KAILAN? KAILAN?! KAILAN?!!?
Naiinip na ako kasi hindi ko alam kung ano ba mangyayari sakin.
Hangang sa kanina, naisip ko mag buklat ng Bible.
Ang message na nakuha ko, Kailangan ko humingi kay Lord at ipag kakaloob nya sakin.
Then I realized, hindi ko pala alam kung ano ang hihingin ko. Hindi ko alam kung ano ba gusto ko mangyari.
Hindi ko din alam kung anong nangyari dahil dati naman, malinaw lahat sakin.
Pero hindi pala ganon ka simple.
I was born by HIS purpose and for HIS purpose.
Ano kaya ang purpose na yan?
Yan ang dapat kong alamin sa mga susunod na araw.
AJ: Pare congrats, balita ko may girlfriend ka na eh, =)
Ako: Thanks Pre, bago pa lang kami. =D
Mark: Pare, graduating ka di ba? Di din kayo mag tatagal nyan! >:))
Ako: LOKO LOKO! May pinag dadaanan ka? Hahahaha!
Salamat sa dalaw mga kolokoy!
Pano na-sisikmura ng mga walangyang politiko (Hindi lahat, ung mga walangya lang talaga) na mag nakaw sa kaban ng bayan at magpakasarap sa buhay habang ang mga taong umaasa sa kanila eh nag hihirap at nag hihikahos sa buhay.
Tang ina lang kasi talaga ang balita sa TV.
267 pesos na sweldo kada araw na may apat na anak na pinag aaral at pinapakain, maswerte siya at di siya nangunngupahan, tapos tumaas pa pamasahe at tataas pa ang kuryente. TANGINA lang talaga, walang karapatan magka-sakit ang pamilyang iyon dahil wala silang extrang pera pang bayad nito o pambili man lang ng gamot.
Mga mag-sasaka na nag hihirap mag bungkal ng lupa, nag titiis sa init ng araw, maputikan, mamintig ang mga paa dahil naka babad sa putikan habang nag tatanim, mag hihintay ng ilang buwan para anihin ang kanilang pinag hirapan tapos babaratin lang ng mga dealer, hindi man lang mabigyan ng suporta ng pamahalaan ung mga tao. Tapos sasabihin may “SHORTAGE” sa bigas habang ung mga nakaimbak na sako ng IMPORTED na bigas eh inaamag an nasisira lang.
Mag hapon pumapasada ang mga Kuya Jeepney driver. Usok, Init, Pagod, madumi at magulong kalsada, tapos walang magawa ang gobyerno sa pag taas ng langis, dumoble na ang presyo ng Diesel mula last year dahil ung 1,000 pesos na karga ng diesel namin dati eh full tank na, ngayon wala pang kalahati.
Pano natitiis ng mga politiko na walang gawin?
Na Bumili ng magagarang sasakyan, mag bihis ng mamahaling damit, kumain sa sosyal na restaurant, habang ang mga nag tiwalang mamamayan ay nagugutom, nahihirapan, kumakalam ang sikmura at problemado kung pano pag kakasyahin ang munting halagang kinita nila sa pang araw araw na gastusin.
Sana naman mag karoon tayo ng tunay na lider na may malasakit sa kapwa nila, yung hindi gustong pumwesto para maka lamang, ung handang mag lingkod at hindi pakita tao lang pag mag eelection, ung hindi ginagastos ang pera ng tao sa pansariling interes. Sana. SANA.
Wala akong magawa at napansin kong ang gulo ng kwarto ko,…

So nag decide akong linisin ito at ayusin ng bahagya. Voila, Instant studio. =)

Do It Yourself ba? =)))

At eto ang isa sa Finish Product. Hahahaha!

Sa tuwing kailangan kita, lagi kang wala.
Hindi ka man lang makapag effort na mag sacrifice ng konting time para sakin.
Hindi mo man lang ako iniisip.
Masyado ata kita na spoiled.
Masyado kang kampante na hindi ako mawawaka sayo.
Anong gusto mo palabasin?
Ayawan na lang kaya?
PWERA USOG! HAHAHAHAHAHAHAHA!
Thank You God, Itay, Inay, Jaypee, Ariane, Friends.
Sa Wakas! =)